SA ulat, sumuko na sa tanggapan ng Manila Police District (MPD) ang isang miyembro ng ‘Tau Gamma’ na itinuturong responsable sa pagkamatay ng isang De La Salle-College of St. Benilde student dahil sa hazing.
Hindi muna umano pinangalanan ang nasabing suspek para sa kaligtasan nito.
Kasalukuyan nang inaalam ng MPD kung ano ang naging papel nito sa pagkamatay ni Guillo Cesar Servando, 18, na natagpuang wala ng buhay noong nakaraang Sabado sa One Archer’s Place condominium.
Ayon dito, nangyari ang naturang hazing sa Palanan, Makati kaya agad na inilipat dito ang isinasagawang imbestigasyon.
The post UPDATE: Isang miyembro ng Tau Gamma, sumuko sa MPD appeared first on Remate.