ROSARIO, LA UNION – Makalipas ang isang taong pagtatago, naaresto ng pulisya ang isang rapist sa Barangay Marcos, Rosario, sa nasabing lalawigan, kaninang tanghali, July 1.
Nakilala ang suspek na si Roel Estimaga, 20, isang minero, ng Barangay Parasapas, ng nasabing bayan.
Si Estimaga ay nahuli Rosario Philippine National Police (PNP) at ng Benguet Police Provincial Office (BPPO) sa pamamagitan ng arrest warrant na inisyu ng Benguet regional trial court (RTC).
Matatandaan na noong July 22, 2013, ang suspek ay ginasaha niya ang babaeng si Alma (hindi tunay na pangalan) sa Benguet at mula noon ay nagtago na sa batas.
Isang concerned citizen ng Barangay Marcos ang nag-tip sa mga awtoridad tungkol sa kinaroroonan ng suspek.
The post Rapist na 1 taong nagtago, timbog appeared first on Remate.