SA idinaos na botohan ng mga mahistrado ng Korte Suprema, 13-0 o unanimous ang pumabor na ideklarang labag sa Saligang Batas ang ilang mga ginawang hakbang ng gobyerno na may kinalaman sa DAP, National Budget Circular No. 541 at mga kahalintulad na issuances.
Partikular na idinedeklarang unconstitutional ang kung hindi lehitimo ang savings na pinanggalingan ng pondo; cross-border transfer ng savings o ang pondo ay nailipat patungo sa ibang sangay ng pamahalaan, mga proyekto at programa na hindi sakop ng General Appropriations Act
Ayon sa Korte Suprema, labag ang nasabing hakbang o proyekto sa ilalim ng Section 25-5 ng Article 6 ng 1987 Constitution at sa prinsipyo ng separation of powers.
Nakasaad sa ilalim ng nasabing probisyon ng Saligang Batas na pinapayagan ang Pangulo ng bansa, Senate President, House Speaker, Chief Justice at namumuno ng Constitutional Commission na gumawa ng ng transfer of savings sa tanggapan na sakop lamang ng kani-kanilang sangay.
The post Ilang bahagi ng DAP, labag sa batas appeared first on Remate.