Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagpupurga sa mga kabataan sa Marikina isasagawa

$
0
0

UPANG matiyak na malusog ang mga bata sa buong Marikina, ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ng Nutrition Section ng City Health Office (CHO) ay magsasagawa ng magkasabay na pagpupurga sa mga kabataan ng Bgy. Tumana at Bgy. Malanday sa ika-1 ng Hulyo sa ika-9 ng umaga sa Tumana Barangay Hall at sa Bgy. Malanday Covered Court.

Isasagawa sa ilalim ng Integrated Helminth Control Program ng Department of Health, mayroong humigit-kumulang 200 kabataan edad 1 hanggang 12 taon ang makakatanggap ng libreng pagpupurga at tsinelas.

Sa datos ng Nutrition Section ng CHO, noong 2012 ay mayroong 47,296 bata edad 2 hanggang 5 taong gulang ang pinurga o binigyan ng gamot pampurga sa uri ng chewable tablet. Noong 2013 naman ay 33,614 bata ang nabigyan ng pamurga. (Ayon sa CHO, ang pagbaba sa bilang ng benepisaryo ng programa ay bunsod ng paglipat ng tirahan ng ilang mga residente sa labas ng Marikina.)

“Hinihikayat natin ang mga magulang na purgahin ang kanilang mga anak upang mapuksa ang mga bulate at parasitikong nananahan sa tiyan ng mga ito.

Nanawagan din tayo sa mga magulang na tiyaking malinis ang kamay ng buong pamilya sa paghahanda ng pagkain o bago kumain upang makaiwas sa anumang parasitiko,” wika ni Dr. Alberto Herrera, ang city health officer ng lungsod.

Maliban sa pagpupurga, magsasagawa rin ng health education activity para sa nasabing pagdiriwang kaalinsabay ng pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo. Ang mga aktibidad na ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: paghimay sa mga impormasyong may kaugnayan sa nutrisyon sa programang “Talakayang Pangkalusugan” na umeere sa Del Radio na isasagawa sa apat na Lunes sa buong buwan; Orientation on Disaster Preparedness and Nutrition in Emergencies sa ika-11 ng Hulyo; Cooking Demo sa ika- 16 ng Hulyo; Advocacy Meeting sa Republic Act 1002-B sa ika-25 ng Hulyo; Video Showing sa mga Day Care Center na nasa ilalim ng City Social Welfare and Development Office sa Hulyo 21-25; Gulayan sa Paaralan Contest sa ika-29 ng Hulyo at Jingle Writing at Singing Contest sa ika-30 ng Hulyo.

“Mahalaga ang malusog na pangangatawan upang maging produktibo ang isang mamamayan. Kaya naman inaanyayahan natin ang mga magulang na makiisa sa ating mga programa upang mapangalagaan ang kalusugan ng kanilang pamilya,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Para sa mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa City Health Office Nutrition Section sa numero bilang (02) 997-4130.

The post Pagpupurga sa mga kabataan sa Marikina isasagawa appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>