IPINASUSUSPENDI na ng Ombudsman sa Sandiganbayan sina Senador Ramon “Bong” Revill at Senador Jinggoy Estrada.
Ito ang nilalaman ng limang pahinang magkakahiwalay na motion to suspend accused na inihain ng Ombudsman hindi lamang sa dalawang senador kundi maging sa dating chief of staff ni Estrada na si Atty. Richard Cambe habang dinidinig pa ang kasong plunder laban sa kanila.
Ginamit na batayan sa mosyon ang nakasaad sa section 5 ng Republic Act 7080 o Plunder Law kung saan nakasaad na kapag ang isang opisyal ng gobyerno ay nakasuhan sa ilalim ng nasabing batas ay dapat itong suspendihin.
Nakasaad pa rito na sa oras na ma-convict naman ito ay mawawala lahat ng retirement at iba pang benepisyo nito.
Pero kung ma-a-abswelto ay maibabalik ito sa pwesto maging lahat ng kanyang benepisyo.
At dahil nabasahan na ng sakdal bagama’t hindi naghain ng plea, ang korte naman ang awtomatikong nagpasok ng not guilty plea sa mga senador kaya dapat ng masuspinde ang mga ito.
Nakasaad sa prayer na “it is most respectfully prayed of this honorable court that an order be issued suspending accused Ramon Revilla Jr. and Ricahrd Cambe from their respective public office and/or other public office which they may thereafter occupy pending trial,” ayon sa hiwalay na mosyon na inihain ng Ombudsman.
The post Revilla, Estrada ipinasususpinde na appeared first on Remate.