GINANAHAN ang team Pilipinas na binubuo ng mga batang 14-anyos kaya naman nakopo nila ang kampeonato sa naganap na Philippine Sports Commission-Ambassador’s Mini-World Cup sa makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex.
Biniyagan ng mga batang Pinoy na palaging dumadalo sa inoorganisa ng PSC na Laro’t-Saya PLAY N LEARN ang bagong gawa na P20-milyong moderno na artificial football pitch upang sibakin ang Chile, 4-0 at iuwi ang magandang tropeo bilang kauna-unahang kampeon sa nasabing event.
Una munang tinalo ng Chile ang Argentina, 1-0, habang binigo ng Pilipinas ang Brazil, 1-0.
Dumalo si PSC Chairman Richie Garcia, dating Chile Ambassador Roberto Mayorgra, Argentina Minister Chancellor Guillermo Devoto, Germany at PSC grassroots coach Thomas Roy, dating Football federation president Johnny Romualdez at Fr. Salvador Caratchet na inirepresenta ang Brazil sa pagpapasinaya sa football.
Kasama sa sumaksi sina PSC Commissioner Akiko Thomson Guevarra, Iggy Clavecilla at Atty. Jose Luis Gomez ang seremonyal na ribbon cutting upang pormal na ihayag ang pagpapagamit sa internasyonal na standard na pitch na unang ipiinagmit sa mga under-privileged kids sa ginanap na mini World Cup.
“We now have our own home court,” sabi ni Garcia. “We can host major football tournaments now, or be the venue of football friendly matches, as well as to local and international competitions,”
Ayon pa kay Garcia, ang modernong artificial football pitch na ipinalit sa dating lugar ng athletics ay eksklusibo na lamang sa football bagaman lahat ng unibersidad, asosasyon, grupo at mga liga ay maaaring rentahan sa kanilang gustong isagawang torneo.
“We plan to hold the football festival for 3 days sa Manila, 3 days din sa Tagum, Davao Del Norte at saka 3 days sa Bacolod,”saad ni Garcia na balak isagawa kada buwan ang Mini World Cup.
The post Team Philippines kampeon sa Mini-World Cup appeared first on Remate.