Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Petron nakatakas sa Bolts

$
0
0

MERALCO - ERIC DAWSON VS RENALDO BACKMAN - PETRON 1MADALING kinalos ng Talk ‘N Text Tropang Texters ang Global Port Batang Pier habang makapigil hininga naman ang panalo ng Petron Blaze Boosters sa Meralco Bolts.

Umarangkada ng 26 puntos, 11 rebounds at limang blocks si Renaldo Balkman upang itakas ang 88-86 panalo ng Boosters laban sa Bolts kanina sa naganap na 2013 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Tinambakan ng Boosters ang Bolts ng 22 puntos sa third canto, 76-54 subalit humabol ang huli matapos ang three-pointer ni Chris Ross 87-86 may 25.6 na lang sa fourth period.

Sa sumunod na eksena ay na-foul si Denok Miranda upang puwesto sa free throw line at isalpak ang isa sa dalawang tira.

Hindi naman nagawang pumuntos ang Bolts kaya nalista ng Petron ang ikatlong sunod na panalo para sa 3-1 win-loss slate.

Si Booster center June Mar Fajardo ang sumegundo sa opensa na may tinikadang 16 points, 12 borads at tatlong blocks.

Samantala, sa unang sultada pinagpag ng Tropang Texters ang Batang Pier, 99-79.

Apat lang ang lamang ng Tropa sa halftime, 49-45 subalit unti-unti itong lumayo sa third canto ng magsimulang ipakita ni import Keith Benson ang tikas sa opensa at depensa.

Umariba si Benson ng 20 markers, 19 rebounds at limang supalpal habang nag-ambag si Jayson Castro ng 19 pts. at tig dalawang assists at rebounds.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTOT


2 court employees, dedbol sa ambush


8-anyos ginahasa ng manyak na binata


Factory worker nanlaban sa holdap patay


Example ng Tula Tungkol sa Pulitika sa Pilipinas


Sa Lupa ng Sariling Bayan


ANDRES BONIFACIO, Buhay at Gawa--Isang Interpretasyon at Pagpapahalaga ni E....


IYOT


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


DUTERTE'S LOGOMACHIA: LES DAMNES DE LA TERRE STRIKES BACK


Negosyante, nahulihan ng shabu sa hotel


Lola pinatay saka pinagnakawan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Luha Ng Buwaya


Mga kasabihan at paliwanag


DIPLOMASYA


Halimbawa ng Tula na may Sukat at Tugma


Anak ginahasa ng sariling tatay



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>