Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

JPE, hindi dapat sa ordinaryon kulungan — NBP

$
0
0

DAHIL sa katandaan ay pabor si National Bilibid Prison (NBP) Chaplain Monsignor Bobby Olaguer na hindi na dapat ikulong pa sa karaniwang kulungan ang 90-taong-gulang na si Senator Juan Ponce Enrile na nahaharap sa kasong plunder at graft kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.

Naniniwala si Olaguer na hindi na kakayanin pa ni Enrile ang hirap sa loob ng kulungan dahil sa edad nito at lagay ng kalusugan.

Nilinaw rin naman ni Olaguer na ang layunin nang pagbibilanggo sa isang nagkasala ay ang maitama ito sa kanyang maling gawain at hindi para parusahan.

“Actually, ang mga nandito sa (NBP) ay ‘yung mga nasentensyahan na. Pero ‘yun mga katulad dito sa amin, meron nga ditong umaabot ng 84 years old. Maraming more than 70 years old. Talagang nahihirapan na sa buhay-bilangguan ang isang nakatatanda na at lumipas na. Pero hindi na siguro karapat-dapat pa kasi talagang mahihirapan. Hindi naman natin gustong pahirapan ang isang tao. Asam natin na maituwid. Katulad halimbawa ni Sen. Enrile, hindi naman natin siya gustong mahirapan. Gusto lang natin malaman ang katotohanan. Para sa akin, hindi na kailangan pang ikulong sa selda,” paliwanag ni Olaguer sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Aniya pa, kadalasan na rin naman talaga ay binibigyan ng konsiderasyon ng hukuman ang mga matatandang naakusahan dahil na rin sa edad ng mga ito at karaniwan na aniyang mas bumababa ang sentensya sa mga ito, partikular na ang mga 70-taong-gulang pataas.

Si Enrile ay balak naman umanong i-hospital arrest sa PNP general hospital na mayroong air-conditioning unit.

The post JPE, hindi dapat sa ordinaryon kulungan — NBP appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>