Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagbisita ni Pope Francis sa Enero, inaasahan na

$
0
0

INAASAHANG sa Enero 15 ay bibisita na sa Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon si Pope Francis.

Sa isang ulat sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), nabatid na nakapanayam ng Catholic News Agency si Monsignor Nevin Perera na nagsabing magkakaroon ng single trip ang Santo Papa sa Sri Lanka at sa Pilipinas.

Aniya, unang bibiyahe ang Santo Papa sa Colombo, Sri Lanka sa Enero 13 at matapos ang dalawang araw ay saka tutuloy sa Pilipinas sa Enero 15.

Una naman nang nagpahayag ng kumpiyansa si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na bibisita sa bansa ang Santo Papa, na ang layunin aniya ay mapalapit sa mga taong sinalanta ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013 at magnitude 7.2 na lindol noong Oktubre 2013.

Sinabi rin naman ni Palo Archbishop John Du na pinakaaabangan na ng mga typhoon survivors sa Leyte ang makasaysayang pagbisita ng Santo Papa sa kanila sa susunod na taon.

“The pope’s visit is another big blessing. We are happy for the blessing that come to us– the pope is coming, the people’s solidarity and the overwhelming generosity of the people,” ani Du.

Nagpahayag ng paniniwala si Du na makapagpapataas ng morale ng mga ‘Yolanda’ survivors ang naturang papal visit, particular na sa mga taong nagsusumikap upang muling makatayo matapos ang sumapit na unos sa kanilang mga buhay.

The post Pagbisita ni Pope Francis sa Enero, inaasahan na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>