IPINAHAYAG ngayon ni Senador Jinggoy Estrada na ang kanyang ina na si Dra. Loi Ejercito-Estrada ang kanyang magiging personal physician.
Ang pahayag ni Jinggoy ay kinumpirma ni PNP-PIO Head Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, Jr.
Ayon sa opisyal, pwedeng bumisita araw-araw si Ginang Estrada sa kanyang anak na nakadetine ngayon sa PNP Custodial Center.
Samantala, ipinabatid ni Sindac na pinaghahandaan na nila ang seguridad sa arraignment kina Senador Bong Revilla, Jr. at pork scam queen Janet Lim-Napoles bukas, Hunyo 26.
The post Loi Ejercito, personal na doktor ni Jinggoy appeared first on Remate.