KINATIGAN ng Malakanyang ang aksyon ng Office of the Ombudsman na kasuhan sina Congressmen Arthur Yap, Rodolfo Antonino at Anthony Miranda dahil sa umano’y katiwalian at malversation of funds.
Batay sa ulat, may kinalaman ang kaso sa irregular na paggamit ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, Jr. na ginagawa lamang ng Ombudsman ang kanilang mandato na habulin ang mga lumabag sa batas.
Idinagdag pa ni Coloma na panahon na para ipakita ng graft court ang ngipin at kasuhan ang mga opisyal at tauhan ng gobyerno na gumagawa ng hindi angkop sa itinatadhana ng batas na ang nalalamangan ay ang mga Pilipinong taxpayers.
The post Kaso vs Arthur Yap, iba pa, kinatigan ng Malakanyang appeared first on Remate.