NADAKIP ng mga pulis ang batikang magnanakaw matapos biktimahin ang isang empleyado ng City Hall sa Valenzuela City, Lunes ng umaga, Hunyo 23.
Nakilala ang suspek na si Rustico Canlas, 51, miyembro ng Bahala Na Gang ng Dapitan St., Sampaloc, Manila.
Sa ulat, alas-11 ng umaga nang mapansin ng mga pulis ang suspek na lumabas sa bahay ni Edsel Salvador, 38, sa A. Pablo St., ng lungsod.
Nakita ng mga pulis na sapilitang binuksan ang pinto ng biktima na naging dahilan upang ipaalam kay Salvador hanggang sa malaman na nawawala ang P440 at cellphone ng biktima na nakuha naman sa suspek.
Nakuhanan din ng mga bala ng .9mm na baril at replica ng Desert Eagle pistol, handy crowbar na naging dahilan upang dalhin sa presinto kung saan nalaman napagnakawan din ng suspek si Ladyness Mempin ng T. Santiago, Veinte Reales noong April at si Arsenio Lapada ng Parada Road, Parada kapwa ng lungsod nitong Hunyo.
The post Batikang magnanakaw nadakip na appeared first on Remate.