Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

4-anyos patay sa nilaklak na silver cleaner

$
0
0

PATAY ang 4-anyos na lalaki nang aksidenteng mainom ang “silver cleaner” na nakalagay sa isang boteng napagkamalang tubig sa Pasay City.

Namatay habang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital si Rheven Mendoza, ng 101 D. Santiago St., Pasay City sanhi ng pagkakalason sa nainom na silver cleaner.

Batay sa naantalang ulat mula sa Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay City Police, alas-7:11 ng umaga noong Sabado nang maganap ang insidente sa loob ng sari-sari store na matatagpuan sa nabatid na tinutuluyang bahay ng biktima.

Ayon sa ina ng biktima na si Romela Mendoza, 27, natagpuan na lamang niyang wala nang malay tao ang kanyang anak sa loob ng kanilang tindahan kaya’t agad nila itong sinugod sa nabatid na ospital ngunit binawian din ng buhay.

Dagdag pa ng ina ng biktima, posibleng nainom ng biktima ang silver cleaner solution na nakalagay sa isang boteng plastic na inakala nitong tubig.

The post 4-anyos patay sa nilaklak na silver cleaner appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>