DAHIL sa kakapusan sa pera, napagdesisyonan nang tapusin ng isang Tsinoy ang kanyang buhay sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Felix Villa Yu Y Tan, 49, ng 1453 Alvarado Extension, Tondo, Maynila.
Sa report ni SPO1 Christian Caparas, ng Manila Police District-homicide section, nakitang nakalambitin ang biktima sa isa sa kuwarto ng bahay ng kanyang ka-live-in na si Grace Catamora.
Sa imbestigasyon ni Caparas, problema umano sa perang panggastos sa pang-araw-araw nilang pangangailangan ang dahilan ng pagpapatiwakal nito.
Bago ito, nasambit pa umano nitong mas mabuting magpakamatay na lamang siya upang matapos na ang kanyang problema.
Nakapulupot pa sa leeg ng biktima ang telephone wire na ginamit nito sa pagpapakamatay nang abutan ng pulisya.
Nabatid na kagigising lamang umano ni Catamora nang magsisigaw sa nakitang nakabitin na ka-live-in niya sa isa sa mga kuwarto ng bahay.
Dinala ang bangkay sa Arch Funeral para sa awtopsiya.
The post Sa kakapusan sa datong, Tsinoy nagbigti appeared first on Remate.