NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Manila Pollice District (MPD) hinggil sa pagkamatay ng isang 28-anyos na lalaking natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay kagabi.
Namatay noon din ang biktimang si Francisco Aleta, Jr., ng 48 Quirino St., Tondo, Maynila dahil sa dalawang tama ng baril sa ulo at tagiliran.
Sa report ni PO2 Cris Ocampo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.
Nauna dito, kaaalis lamang ni Tony Ann Salazar, ka-live-in ng biktima, sa kanilang bahay nang pasukin ito ng ‘di nakilalang suspek.
Ayon sa isang Ace, 9, kapitbahay ng biktima, napagawi ito sa kuwarto ni Aleta dahil sa kahahanap ng kanyang magulang kung saan tumambad sa kanya ang duguang biktima dahilan upang ipaalam sa kanilang Barangay Kagawad na si Albert Peroda ng Brgy. 119 Zone 9.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa pagpatay sa biktima.
Ang bangkay ng biktima ay nakalagak sa St. Rich Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.
The post Natagpuang bangkay sa loob ng bahay, iniimbestigahan appeared first on Remate.