Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Villar, Trillanes, inilalaglag sa survey

$
0
0

KUNG pagbabatayan ang kasalukuyang survey, natutuklasan na inilalaglag sa Magic 12 sina dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar at Senador Antonio Trillanes IV upang makapasok ang ilang kandidatong mahihina sa pulso ng mamamayan.

Base sa kumakalat na text messages, natuklasan na lumaglag sa ika-7 hanggang 8 puwesto si Villar sa ginanap na survey umano ng Stratpolls survey, at Trillanes sa ika-12 puwesto na nanganganib mawala sa sinasabing “Magic 12.”

Kung dating umakyat sa ika-5 hanggang 6 na puwesto si Villar matapos makakuha ng 59% sa survey ng The Center Pulso ng Pilipino na ginanap sa unang bahagi ng Enero, ngayon bumagsak ang dating kinatawan ng Las Pinas sa ika 7 hanggang 8 puwesto na umani din ng 59% sa survey.

Sa survey ng Pulso ng Pilipino, umani si Trillanes ng 40% kaya nakabitin sa ika-11 hanggang 12 puwesto ang kanyang kandidatura, ngunit sumakto naman ang antas nito sa survey ng Stratpolls sa ika-labindalawang puwesto.

Ngunit, umani si Trillanes dito ng 52% kumpara sa 40% ng Pulso ng Pilipino survey.

Sa pinakahuling survey ng Pulso ng Pilipino, natuklasan na bumagsak sa Magic 12 sina Aurora Rep. Sonny Angara ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, dating Senador Ramon “Jun” Magsaysay Jr.,  dating Senador Jamby Madrigal at dating Gabriela Party List Rep. Riza Hontiveros.

Natuklasan naman na hindi nakapasok sa naturang survey sina dating Senator Richard Gordon, dating Senate President Ernesto Maceda, Zambales Rep. Mitos Magsaysay, at dating Gov. Margarita Cojuangco.

Sinabi ng Pulso ng Pilipino, pasok sa Magic 12 sina Sen. Loren Legarda, Sen. Chiz Escudero, Sen. Alan Peter Cayetano, Rep. Joseph Victor Ejercito, Sen. Koko Pimentel, Villar, Sen. Gregorio Honasan, dating Sen. Juan Miguel “MIgz” Zubiri, Rep. Juan Ponce Enrile, Maria Lourdes Nancy Binay,  Trillanes at dating MTRCB Chairman Grace Lamanzares Poe.

Sa Stratpolls survey, pasok sa Magic 12 sina Legarda, 83%; Senador Chiz Escudero, 79%; Senador Koko Pimentel, 77%; Angara, 73%; Ejercito, 70%; Cayetano, 67%; Enrile, 59% (kasama ni Villar); Honasan, 57%; Binay, 55%; Zubiri, 53%; at Trillanes, 52%.

Ginanap ang Stratpoll survey nitong February 4 hanggang 12 na pawang taga National Capital Region ang 300 respondents.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>