GINAGAMIT ng Star City ang mga pampublikong paaralan upang maibenta ang kanilang mga tiket sa mga palabas na alam nilang hindi kakagatin ng publiko at ang kanilang rides na nilalangaw sa tuwing may pasok na sa mga paaralan at tapos na ang mga holidays.
Ayon kay Jardie Reyes, PTA officer ng isang elementary school sa lungsod Pasay, pinabebenta ng management ng Star City ang kanilang mga tikets sa mga pampublikong paaralan nang walang pahintulot ng Department of Education , at dapat nilang imbestigahan ang mga transaksyon ng Elizalde -owned venture na isang panghihimasok sa educational system ng mga public school.
Iniengganyo ng Star City ang mga paaralan na itulak ang pagbebenta ng mga tiket ng Ride All You Can at Ballet Show upang mapuno ang kanilang venues sa mga panahong mahina na ang pasok ng tao sa pagbibigay ng discounts .
At dahil mura ang mga tiket ay halos mapuno ang rides at mahaba ang pila na ikinadidismaya ng mga tao dahil umiikli ang oras ng kanilang rides upang mapagbigyan ang iba pa.
At dahil may pasok kinabukasan ng Lunes ay halos umabsent na ang mga estudyante dahil napupuyat sa pagpila sa Star City.
Nagiging sentro na rin ng negosyo ang mga pampublikong paaralan kaysa maging seryoso at naka-focus ang mga paaralan sa edukasyon ng mga kabataan dahil na rin sa pagpasok ng Star City sa alok na pagkakakitaan ng salapi ng mga ito.