Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Guro, 7 pa kalaboso sa pot session

$
0
0

HINDI lamang pagtutulak kundi naaktuhan pang humihithit ng droga ang walong katao kabilang ang isang guro sa Tayabas, Quezon kaninang madaling-araw, Hunyo 16.

Ang guro na suspek ay nakilalang si Godfrey Ensina alyas Madam, na nagtuturo sa isang elementary school sa bayan ng Mauban habang ang mga kasamahan nito ay nakilalang sina Jay Biazon ng Gumaka, Jonel Ricamara ng San Francisco, John Mark Abella at Mark John Maulicapa ng Lucena City, at Danilo Remo ng Sariaya, John Reynold Nicodemus ng Lucena at Michael Sayson ng Pagbilao.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 1 ng madaling-araw sa isang apartment sa may Barangay Lita sa Tayabas, Quezon.

Naaresto ang mga suspek sa bisa ng isang arrest warrant.

Nabatid din na nakabili pa ang mga pulis at impormante sa mga suspek ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500.

Nakuha rin sa mga suspek ang ilan pang plastic sachet na naglalaman umano ng shabu, mga lighter at iba pang paraphernalia, maging ang perang ginamit pambili.

Nasa kustodiya na ng Tayabas Police ang mga suspek at mga narekober na ebidensya habang inihahanda ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso.

The post Guro, 7 pa kalaboso sa pot session appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


Inambus na ex-mayor naibulong ang killer bago natigok


KANTUTAN


PAKIALAMERONG DIREKTOR NG NORTH CEMETERY


Beer Garden sa Lawton, pinasara ni Isko


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


KUDA


PAGBABATA


DELEGADO


Toni at direk Paul, tuloy na ang kasalan!


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Long Mejia may sex scandal


Final Destination 6, kasado na


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


Ibong Adarna Script


MAMIYAPIS


HAWI


Ivana Alawi itinanggi ang pagbibigay ng umano’y escort service


Ruru Madrid ultimate crush ni Klea Pineda



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>