Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagbuo ng Task Force on Bangsamoro iniutos ni PNoy

$
0
0

NAGPALABAS ng direktiba si Pangulong Benigno Aquino III para sa pagbuo ng Task Force on Bangsamoro Development na naglalayong isulong ang “rehabilitation and reconstruction efforts” sa rehiyon.

Ang hakbang na ito ng Punong Ehekutibo ay alinsunod ng matagumpay na paglagda sa framework agreement para sa mapayapang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ang  task force ay kabibilangan ng cabinet secretary bilang chairperson at ang mga pinuno ng Departments of Social Welfare and Development (DSWD), Labor and Employment (DOLE), Health (DOH), Education (DepEd), Agriculture (DA), Interior and Local Government (DILG), at Budget and Management, at presidential adviser on the peace process (OPAPP) bilang mga miyembro.

Ang iba pang mga miyembro ay ang mga Kalihim ng Presidential Management Staff (PMS), Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO), Presidential Communications Operations Office (PCOO), at Office of the Presidential Spokesperson (OPS), kasama rin ang mga pinuno ng Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Philippine Health Insurance Corp. (PHIC).

Ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. opisyal na nilagdaan ni Pangulong Aquino ang Administrative Order No. 37, noong Pebrero 13, na naglalayong tiyakin ang mga development projects at programa na inimplementa sa Bangsamoro, isang bagong autonomous region na itinatag sa Mindanao, para sa MILF combatants at pamilya ng mga ito at komunidad  na apektado ng framework agreement na nilagdaan noong Oktubre ng nakaraang taon.

Noong nakaraang linggo ay agad na ikinasa ng administrasyong Aquino ang paunang hakbang upang tulungan ang MILF forces at ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng inilunsad na social development plan na tinawag na “Sajahatra Bangsamoro Program” sa Maguindanao.

Sa kabilang dako, inatasan din ng Punong Ehekutibo ang task force na makipag-ugnayan sa Transition Commission, na nilikha sa ilalim ng Executive Order No. 120 noong nakaraang taon para sa development at implementasyon ng programa.

Ipinag-utos ng Pangulong Aquino sa task force at Transition Commission na magkapit-bisig sa pag- monitor  sa implementasyon ng development projects at mangyaring magsumite ng kanilang regular reports sa Office of the President.

Ang pondong gagamitin para sa operasyon ng task force ay huhugutin sa kasalukuyang pondo ng member-agencies habang ang tinatawag na subsequent appropriations ay kukunin naman mula sa kanilang annual budget proposals.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>