TATLONG babae ang idineklarang patay, habang nasa 200 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa Gate 1, Parola Compound sa Tondo, Maynila, ngayong hapon.
Sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, tatlong babae na kinilalang sina Hederita Beldor, 42, Annabelle Cuna, 22 at Teresa Franco 2-anyos ang hindi na nakalabas ng bahay makaraang masunog ang ikatlong palapag ng kanilang bahay na yari sa light material, pag-aari ng isang Rex Martinez.
Kaninang alas-2:32 ng hapon nang sumiklab ang sunog na umabot sa ika-5 alarma.
Tinatayang aabot sa P2 milyon halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog na tumagal sa halos dalawang oras bago naideklarang fire under control.