UMAABOT sa isang milyong out of school youth (OSY) ang nakapagparehistro sa ilalim ng Abot-Alam Program ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Education Assistant Secretary Tonicito Umali, natukoy ang naturang mga kabataan sa pamamagitan ng community mapping sa tulong ng barangay leaders mobile teachers.
Ang Abot-Alam Program ay nagbibigay ng non formal education sa mga OSY sa pamamagitan ng alternative learning system o open high school system.
Sa ilalim nito, modules na lamang ang ibinibigay sa mga estudyante at hindi na kinakailangang pumasok sa paaralan.
Kabilang sa mga lumalabas na dahilan kung bakit hindi nakakapag-aral ang ilang kabataan ay dahil sa problemang pinansyal, problema sa pamilya, maagang paghahanapbuhay at minsan ay impluwensya ng mga kaibigan.
The post 1M OSY, dadaan sa Abot-Alam Program ng DepEd appeared first on Remate.