GAYA ng inasahan ay nagsagawa na ng raffle ang Sandiganbayan para sa hahawak ng kasong graft at plunder laban sa tatlong senador.
Ang kaso ni Senador Juan Ponce-Enrile ay na-raffle sa 3rd Division ng Sandiganbayan.
Nasa 1st Division naman ang kasong graft at plunder ni Senador Ramon “Bong” Revilla, samantalang napunta sa 5th Division ang plunder at graft laban kay Senador Jinggoy Estrada.
Si Sandiganbayan 4th division Justice Gregory Ong ay nag-inhibit matapos mabanggit bilang isa sa mga kaibigan ng kinasuhan din na si Janet Lim Napoles.
Sa kaso ng tatlong senador ay co-accused si Napoles.
The post Kaso ng 3 senador nai-raffle na appeared first on Remate.