Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Prostate cancer free screening gagawin ng DoH

$
0
0

KASABAY ng pagdiriwang ng Father’s Day ngayong Linggo, magkakaloob ang Department of Health (DOH) at mga pribadong pagamutan sa buong bansa ng libreng pagsusuri sa prostate cancer, Hunyo 14, bilang bahagi ng kanilang “National PaDRE and Men’s Health Day” program ng pamahalaan.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, isang magandang paraan upang ipagdiwang ng publiko ang Araw ng mga Ama ay sa pamamagitan nang pagdadala sa kanila sa may 64 kalahok na public at private hospitals na magbibigay ng libreng digital rectal examination (DRE).

Ipinaliwanag ni Ona na kinakailangang isailalim sa screening ang mga lalaki upang maagang matukoy kung may prostate cancer sila.
“If you love your dad, bring him on June 14 to any participating hospital/clinic for a free DRE,” panawagan pa ng Kalihim.

Sinabi ni Ona na may 27 DOH–retained at 37 private hospitals sa buong bansa ang magbibigay ng libreng DRE, na isa sa pangunahing screening procedures sa pag-assess ng prostate.

Kabilang sa mga private hospitals na lalahok ay ang University of Sto Tomas Hospital sa Maynila, Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City, Capitol Medical Center sa Quezon City, Fortunecare Medical Clinic sa Tarlac City, Pres. Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa Olongapo City, St. Louis University Hospital of the Sacred Heart sa Baguio City, St. Elizabeth Hospital sa General Santos City, Our Lady of Mount Carmel Medical Center sa Pampanga, Medical Center of Digos sa Davao del Sur, Mariano Marcos Memorial Medical Center sa Ilocos Norte, Fatima Medical Center sa Valenzuela City, at Manila East Medical Center sa Taytay, Rizal.

Ipinaliwanag pa ni Ona na lahat ng lalaking nagkaka-edad ng 40-taong gulang pataas ay dapat na sumailalim sa screening ng prostate cancer, na ikinukonsiderang ikaapat na most common cancer sa mga lalaki.

Batay sa 2010 Cancer Facts and Figures ng DOH, taun-taon ay mayroong 2,712 bagong kaso ng prostate cancer na nada-diagnose sa bansa at 1,410 deaths.

Anang DOH, walang ipinapakitang sintomas ang sakit sa unang stage nito, ngunit kung malala na ang sakit ay maaaring makaranas ang pasyente ng madalas at masakit na pag-ihi, pagkakaroon ng dugo sa ihi, pananakit ng mga buto, panghihina ng mga hita at pagkakaroon ng urinary at fecal incontinence.

The post Prostate cancer free screening gagawin ng DoH appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>