IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Education (DepEd) na aksyunan ang panukalang ituro sa Philippine high schools ang historical claim ng Pilipinas sa Sabah.
Layunin nito na ipamukha sa Malaysia na ang isla sa Sabah ay pag-aari ng Pilipinas.
“To include in the curriculum? We will leave that to DepEd to determine on how to go about that,” anito.
Patuloy naman ang pag-uusap sa pagitan ng mga awtoridad ng Pilipinas at Malaysia ukol sa pag-angkin ng huli na kanila ang Sabah.
Tugon ito ng Malakanyang sa pahayag ni Sultan Jamalul Kiram na kahit na anong mangyari ay hindi sila aalis sa nasabing lugar (Sabah, Malaysia) para bigyang diin sa Pilipinas na kanila ang lugar na nabanggit.
“Well, at this point, what I can tell you—apart from what I told you yesterday about the reported meeting, supposedly—what I can tell you today is that discussions are ongoing between the Philippine and Malaysian authorities, as well as the parties involved in the incident. So hintayin po natin ‘yung magiging bunga ‘nung mga pag-uusap na ‘yon,” anito.
Nakatutok naman ang DFA sa pagkakaroon ng mapayapang pagtatapos sa insidente.