PATAY ang isang lalaki na sinasabing impormante ng mga pulis matapos barilin ng mag-amang tulak ng droga sa Maynila kagabi.
Kinilala ang biktima na si Diomedes Timoteo, pedicab diver, ng Tigbasan St., Bgy. 118 Zone 29, Tondo, Maynila.
Naglabas naman ng manhunt operation ang pulisya laban sa mag-amang suspek na sina Samson Dongon, Sr. at Samson Jr., 32, ng 200 Sampaloc St., Tondo, Maynila.
Sa report, napagkamalang informer ang biktima ng mag-amang suspek na kilalang drug pusher sa lugar.
Ayon kay Mary-ann, anak ng biktima, nag-ugat ang galit ng mga suspek nang inakalang ang kanilang tatay ang nagpahuli noon sa mga salarin.
Madalas din aniyang makatanggap ng pagbabanta ang kanilang tatay mula sa mga suspek.
Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong basyo ng ‘di pa mabatid na kalibre ng baril.
The post Impormante utas sa mag-amang tulak appeared first on Remate.