SINIBAK na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang traffic constable, habang sinuspendi naman ang 11 sa mga ito makaraang ireklamo ng pangingikil.
Bagama’t hindi pinangalanan, sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na nakatalaga ang mga nasabing tauhan sa bahagi ng Katipunan Avenue sa Quezon City at natanggap sa trabaho sa bisa ng job order.
Dahil dito, sinabi ni Tolentino na hindi nila kukunsintihin ang kanilang mga tauhan na gumagawa ng katiwalian na makasisira sa ahensya.
Paliwanag pa nito, dumaan sa proseso ang pagkakasibak sa mga MMDA personnel makaraang sumailalim sa ilang buwang pagdinig ng legal department at napatunayan na nagkasala ang mga ito.
The post 2 MMDA traffic constable sibak, 11 suspendido sa kotong appeared first on Remate.