TODAS sa pamamaril si Urbiztondo Mayor Ernesto Balolong, Jr. at kanyang dalawang tauhan kaninang umaga sa Rizal St., Bgy. Poblacion, Urbiztondo, Pangasinan.
Alas-9:15 kaninang umaga nang pagbabarilin si Balolong at kanyang escort na pulis na si PO1 Eliseo at isa pang security, ikinasugat din ng ilang tambay sa lugar.
Sakay ng Innova van ang mga suspek nang ambusin ang alkalde na kasalukuyang nag-iinspeksyon sa lugar na pagdarausan sana ng kanilang ika-25 wedding anniversary ng kanyang misis kasabay sa kasal ng anak na si councilor Voltair Balolong.
Patay ang biktima sa 22 tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Matatandaan na si Balolong ay nahaharap sa kasong administratibo at kasapi ng Liberal Party.
Inaalam na ang motibo sa pamamaril.
The post Urbiztondo mayor utas sa pamamaril appeared first on Remate.