MAGHAHAIN ng apela sa Sandiganbayan ang alkalde ng bayan ng Aloguinsan, Cebu kaugnay sa ipinataw na parusang 12 taong pagkabilanggo sakasong graft and corruption.
Hindi inakala ng alkalde at pito pang opisyal matapos napatunayan ng Sandiganbayan 1st division na nagkasala sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa maanomalyang pagbili ng aluminum composites noong 2007.
Ang mga hinatulan ay sina Mayor Cynthia Moreno, municipal civil registrar; Bids and Awards Committee (BAC) chairman Pepito Manguilimotan; municipal budget officer at BAC vice chairman Nonel Villegas; municipal agricultural officer Marilyn Flordeliza; BAC member Gertrudes Ababon; municipal assessor John Lim; municipal engineer, pangulo rin ng technical working group Orven Nengasca at BAC member Emilia Luz Celis.
Ayon kay Moreno, pulitika ang motibo kaugnay sa inilabas na desisyon sa pagsampa ng kaso ni ex-Councilor Felimon Georsua.
Kaugnay nito, may 15 araw sina Moreno at kasamahan na maghain ng apela at maghain ng P30,000 na itinakdang piyansa.
Kung maaalala, sinampahan ng kaso ang alkalde at pito pang opisyal matapos bumili ng aluminum composites na umabot sa P1,118,635 na hindi umano dumaan sa bidding.
The post Mayor sa Cebu aapela sa hatol na pagkakabilanggo appeared first on Remate.