NAGBALIK-LOOB at kusang sumuko sa pamahalaan ang may 54 na miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA).
Mismong si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Emmanuel Bautista ang tumanggap sa mga nagbalik-loob na rebelde.
Ayon kay 4th Infantry Division Spokesperson Major Christian Uy, isinuko rin ng naturang mga rebele ang 52 matataas at mabababang uri ng baril.
Sinabi ni Uy na ang mga sumukong rebelde ay pinamumunuan ng isang Emboy Gayaw na mula sa guerilla front 32 na kumikilos sa bahagi ng Bukidnon, Davao at Agusan Provinces.
The post 54 miyembro ng NPA, nagbalik-loob sa pamahalaan appeared first on Remate.