PATAY ang isang sundalo at 15 miyembro ng Abu Sayyaf ang nalagas sa panibagong bakbakan sa Sulu.
Ayon kay Lt. Col. Ramon Zagala, Spokesman ng Armed Forces of the Philippines (AFP), tinatangka ng ASG na bawiin ang kanilang kampo na nakubkob ng militar sa bayan ng Patikul.
Martes anya nang magsimula ang sagupaan na nag-iwan ng 19 sugatan sa panig ng tropa ng gobyerno.
Tinatayang 100 bandido sa pangunguna nina ASG Commanders Yasser Igasan, Idan Susukan, Ninok Sappari at Radullan Sahiron ang nakasagupa ng mahigit 200 sundalo sa Sitio Kan Jimao, Barangay Buhanginan.
Bagaman bahagyang humupa ang bakbakan noong Miyerkules, handa ang militar sa mga panibagong pagsalakay ng bandidong grupo.
The post 16 lagas sa sagupaan ng Abu Sayyaf at militar sa Sulu appeared first on Remate.