DAKIP ng awtoriad ang walong miyembro ng isang pamilya na nagpapatakbo ng marijuana tiangge sa Purok 1, Camarin, Caloocan City.
Ayon kay Police Chief Inspector Ronald Perilla, naaktuhang nagre-repack ng marijuana sa kanilang bahay na nagsisilbing tiangge ng marijuana ang pamilya na maaaring doon din gamitin ang biniling droga.
Karaniwang mga estudyante ang binebentahan ng marijuana dahil mas mura kumpara sa shabu.
Kabilang sa mga naaresto sina Rodito Arabia, Rosalie Arabia, Bernie Grande, Ernesto Vicio, Rochelle Arabia, Marivic Labajoy, Joseph Arabia at Cindy Periano.
Narekober ng Special Operations Unit ng Northern Police District (NPD) ang apat na bloke ng marijuana, tatlong sachet ng shabu, isang sumpak at anim na bala ng kalibre .38 na baril.
The post 8 miyembro ng pamilya tiklo sa marijuana tiangge sa Caloocan appeared first on Remate.