WAGI ang Air21 Express kontra sa Meralco Bolts sa nagaganap na PLDT Home Telpad PBA Governor’s Cup elimination ngayong gabi sa Philsports Arena.
Naitala ng Express ang kanilang 4-2 win-loss slate upang makisalo sa top 4 (kasama ang Ginebra, San Mig at Talk N’ Text) kung saan may twice-to-beat advantage sa playoffs.
Kasama naman ng Bolts sa pinakababa sa standings ang Barako tangan ang 1-5 win-loss slate.
Nanguna para sa Express sina big man Asi Taulava na may 22 puntos kabilang ang 13 mula sa 2nd half at import Dominique Sutton na may 25 puntos, na 17 dito ay nagmula sa 2nd half.
Bukod sa puntos, kumana rin si Sutton ng 18 boards at tatlong blocks upang umabante sa 1st half na may mababang iskor, 29-26.
Tinanghal namang Best Player of the Game si Taulava na nagpakita ng magandang depensa sa 2nd half at nakakuha ng 16 boards at dalawang assist.
Nanghina ang opensa ng Bolts sa nang makuha ni import Mario West ang ika-apat niyang foul at pagpahingahin sa kalagitnaan ng Bolts.
Dahil dito, sinamantala na ng Express ang wala pa si West kaya umarangkada na ang dalawang big man.
“We buckled down to work. And the best thing for now is to concentrate on our defense,” ani Air21 coach Franz Pumaren. “We won our three games prior to this because of defense, because of the little things, like we outhustled the other team.”
Ang iskor na Bolts na 67 ang pinakamababang iskor sa huling walong komperensya sa liga ayon sa PBA head statistician.
Kasalukuyan namang naglalaban ang Alaska Aces at Rain or Shine Elasto Painters, kapwa tangan ang 2-3 win-loss slate.
The post Taulava, Sutton nanaig kontra Bolts, 80-67 appeared first on Remate.