SINIBAK na sa puwesto si New Bilibid Prison (NBP) Chief Fajardo Lansangan at 12 jail guards dahil sa usaping VIP treatment sa high-profile inmate.
Agad na ibinaba ng Department of Justice (DoJ) ang pagkakasibak kay New Bilibid Prison (NBP) Chief Fajardo Lansangan at 12 pang jail guards dahil sa pagpayag sa mga ito na makapagpagamot sa mga pribadong ospital lalo at mula sila sa maximum security compound.
Matatandaang unang lumabas ang balita nang isugod si Ricardo Camata, lider ng Sigue Sigue Sputnik gang sa Metropolitan Hospital sa Maynila dahil sa sakit sa baga.
Sumunod naman ang pagpapagamot ng presong si Herbert Colangco, lider ng bank robbery gang sa Asian Hospital dahil sa urinary tract infection (UTI), gayundin ang pagdala kay Amin Buratong, isang drug lord sa Medical City.
Si Supt. Robert Rabo ang pansamantalang papalit sa puwesto ni Lansangan.
The post Bilibid chief, 12 jailguards sinibak na appeared first on Remate.