HINDI rin lumusot ang kumpirmasyon ni Commissioner Heidi Mendoza ng Commission on Audit (COA).
Nabitin ang oras ng committee on constitutional commissions and offices ng Commission on Appointments (CA) para sa deliberasyon ng pagkumpirma sa appointment ng komisyuner.
Inungkat ni Sen. Jinggoy Estrada ang Statement of Assets and Liabilities (SALN) ni Mendoza na sinasabing may pag-aari itong condominium unit hindi idineklara sa kanyang SALN.
Tugon ni Mendoza na hindi naging kanya ang naturang condo.
Hindi ito nai-award sa kanya dahil binitiwan niya ito nang hindi kayanin ang monthly amortization ng condo.
Marami pa sanang itatanong si Estrada subali’t kailangang suspendihin ang pagdinig kay Mendoza dahil oras na rin para isalang sa plenary session ng CA ang kumpirmasyon ng promosyon ng ilang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Itutuloy sa susunod na Miyerkules ang pagdinig kay Mendoza kasama sina Social Welfare Sec. Dinky Soliman at Justice Sec. Leila de Lima.
Lumusot sa committee level ng CA si Soliman samantalang naudlot naman ang kumpirmasyon ni De Lima.
The post COA commissioner naudlot din ang kumpirmasyon appeared first on Remate.