TINIYAK ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala nang makapipigil sa fare increase sa mga Public Utility Jeepneys (PUJ) na ipapatupad ng transport sector sa Hunyo 14.
Ayon kay LTFRB chairman Winston Ginez, dumaan sa tamang proseso ang dagdag pasahe na 50 centavos kaya hindi ito mapipigilan ng sinoman.
Gayunpaman, kailangan ding sumunod ang drivers sa alituntunin ng LTFRB gaya ng paglalagay nila ng fare matrix sa kanilang sasakyan para malaman ng mga mananakay na legal ito.
Dagdag niya, kapag walang fair matrix ang isang PUJ ay walang karapatan ang driver na maningil ng karagdagang 50 centavos at maaari pa silang magmulta ng hanggang P2,000.
Tiwala naman siyang wala nang kokontra sa dagdag pasahe dahil kinausap naman nila ang mga concern agencies at konti lang naman ang halaga na naidagdag sa pasahe.
The post 50 centavos taas pasahe tiniyak ng LTFRB appeared first on Remate.