SUGATAN ang 17 katao matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Parola, Compound sa Tondo, Maynila kagabi.
Ayon kay Fire Supt. Jaime Ramirez, bagamat isang bahay lamang ang nalamon ng apoy marami naman ang nasugatan dahil nagsiksikan at nag-unahan ang mga residente sa lugar na makalabas sa makipot na eskinita.
Alas-6:45 ng gabi nang magsimula ang sunog matapos sumabog ang isang tangke ng LPG.
Umabot lamang sa unang alarma ang sunog at naapula rin bago mag-alas-7:00 kagabi.
Pawang isinugod sa Jose Reyes Medical Center at East Avenue Medical Center ang mga sugatang residente.
The post 17 sugatan sa sunog sa Tondo appeared first on Remate.