SUGATAN ang apat katao makaraang araruhin ng elf truck ang isang lugawan sa Brgy. Tugatog, Potrero, Malabon kaninang umaga.
Sugatan din sa insidente ang driver na si Ruben De Lima, makaraang maipit ng halos 30 minuto nang tumagilid ang truck na minamaneho niya na may plakang AUQ 317.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng preno ang naturang truck dahilan para araruhin ang lugawan kung saan nadamay ang isang tricycle saka sumalpok sa harap ng bahay na nasa kanto ng Sisa at Maria Clara street.
Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple injuries at damage to properties ang driver ng truck.