UTAS ang isang magsasaka nang barilin ng isang barangay tanod sa San Andres, Quezon sa ulat ng pulisya.
Kinilala ang biktima na si Ralphy Cueva Cuizon, 37, ng Sitio Marok-Barok Bgy. Camflora, habang ang suspek ay si Alijo Emprese, barangay tanod, ng Bgy. Mangero, nasabing lugar.
Sa imbestigasyon, nakaupo lamang ang biktima sa pasayaw ng kanilang barangay nang lapitan ng suspek at pinagbabaril.
Inaalam na ang motibo sa krimen.
The post Magsasaka todas sa boga ng tanod appeared first on Remate.