PINAYUHAN ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz ang mga overseas Filipino worker o OFW na illegal ang pagpasok sa United Arab Emirates (UAE) na humingi ng amnesty na ipinagkakaloob ngayon sa mga illegal worker sa naturang bansa.
Ayon kay Baldoz, ang mga OFW sa UAE na lagpas na sa itinatakda ng visa ang pananantili (overstaying) na ngayon ay illegal na ang paninirahan doon.
Pinayuhan din ng kalihim ang mga OFW na mabuting lisanin na lamang ang UAE upang maging ligtas sa multa, o ayusin ang kanilang mga visa hanggang sa February 3, 2013.
“Illegal UAE residents who had overstayed their visas can obtain exit passes and leave the country without penalties, or regularize their visas after payment of fines”, sabi ng kalihim noong January 2, 2013.
Ang paalala ng DOLE ay dahil na rin sa advisory na natanggap ng kalihim mula kay Philippine Labor Attaché to Abu Dhabi Nasser B. Munder na nagsasaad na ang Abu Dhabi government ay nagpalabas ng two-month amnesty sa mga illegal resident sa nasabing bansa noong December 2012.
Noong 2007 ang huling petsa nang pagbibigay ng amnesty ng UAE sa mga illegal residente na dito ay umaabot sa 341,958 illegal residents mula sa iba’t ibang bansa ang nakakuha habang 95,000 illegal workers.
Sa record, umaabot sa 209,385 OFWs ang ngayon ay naninirahan sa UAE.