Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

DOJ handang maghabol sa nakaw-na-yaman ng pamilya Marcos

$
0
0

NAKAHANDA ang Department of Justice na kunin ang responsibilidad hinggil sa paghahabol sa umano’y ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

Pero agad nilinaw ni Justice Secretary Leila de Lima sa isang ambush interview na wala pa siyang natatanggap na pasabi mula sa Malakanyang hinggil sa abolition ng Presidential Commission on Good Government o PCGG.

Sakaling mangyari ito, sinabi ng kalihim na agad niyang ipag-uutos ang pag-iimbentaryo ng mga kaso upang malaman kung saan nagkaroon ng pagkukulang sa paghahabol at kung alin ang mga dapat na ipagpatuloy o iuurong na.

Pag-aaralan din ng DOJ kung kailangang magtayo ng unit sa loob ng kagawaran na siyang kukuha sa trabaho ng PCGG.

Una nang inihayag ni PCGG Chairman Andres Bautista sa isang panayam na inirekomenda niya kay Pangulong Benigno Aquino na tatapusin na nila ang kanilang trabaho at ilipat na lang ito sa DoJ.

Katwiran ni Chairman Bautista, hindi sapat ang pondo ng gobyerno sa paghahabol sa umano’y ill-gotten wealth dahil ito’y nagtitipid na at nakabalik na rin sa kapangyarihan ang Marcoses.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>