PINAG-AARALAN ni Sen. Miriam Santiago ang paghahain ng disbarment proceedings laban kay Atty. Levito Baligod, dating abogado ng pork barrel scam whistleblower na si Benhur Luy.
Reaksyon ito ng senador kasunod ng aniya’y pag-amin ni Baligod na siya ang namili ng mga pangalan ng mga senador na inilagay sa sinasabing ‘Luy list’.
Una nang napaulat na ang mga magulang nito ang nagbigay ng hard drive nito noong 2013 sa isang broadsheet na naglalaman ng mga dokumento at listahan ng mga mambabatas.
Subali’t itinanggi ito ni Atty. Raji Mendoza, abogado ni Luy.
Ang ukol lang aniya sa illegal detention sa anak ang pakay ng mga magulang kaya nagtungo sa tanggapan ng pahayagan.
Iginiit ni Santiago na sa ilalim ng Penal Code, itinuturing ang libel bilang isang ‘public and malicious imputation of a crime (such as bribery)’ na sumisira sa dangal at pagkatao ng isang indibidwal.
“And therefore Baligod is guilty of libel,” diin pa ng beteranang solon.
Wala sa Napolist ang pangalan ni Santiago na pinakawalan sa publiko ni Sec. Panfilo Lacson subali’t nakasama naman sa ‘Luy list’.
Kumalat nitong linggo ang Luy list na ikinagulat at ikinagalit ng ilang senador kabilang si Santiago.
Si Santiago, natatanging Filipina politician na isang ‘laureate’ ng Asia-wide Magsaysay Award para sa government service.
Aniya, intensiyon ni Baligod at mga kasabwat nito na sirain ang kanyang reputasyon.
Nais din nito na ipatawag sa pagdinig sa Senado sa pork barrel scam sina Baligod, Mendoza at Luy.
“It appears that Baligod, by his own admission, concocted the list and distributed it. It also appears that Luy dismissed Baligod and is now represented by lawyer Raji Mendoza. The incumbent lawyer has told media that Luy had nothing to do with the preparation of the so-called Luy list. If so, then Baligod should take full responsibility,” paliwanag pa nito.
The post Baligod sasampahan ng disbarment case appeared first on Remate.