Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Cash cards, ibabayad ng Comelec sa BEIs

$
0
0

GAGAMIT ang Commission on Elections (Comelec) ng cash cards sa pagbabayad ng honorarium ng mga gurong magsisilbi bilang Board of Election Inspectors (BEIs) sa May 13 midterm elections upang matiyak na hindi na made-delay ang pagbabayad sa mga ito.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., pagkatapos na pagkatapos ng trabaho ng mga guro sa halalan ay ibibigay na kaagad na ng ahensya ang bayad sa mga ito.

Aniya, nagdesisyon silang cash cards na lamang ang ibayad sa mga guro na maaari na nilang i-withdraw kaagad sa mga ATM machines para hindi na magkaroon ng problema ang Comelec sa pamamahagi ng pera.

“Hindi na kami siguro mahuhuli sa bayaran ng teachers. We are giving them cash cards, ibibigay na namin sa kanila pagkatapos ng trabaho,” ani Brillantes.

“Pwede na nila i-withdraw ‘yun. Hindi na kami magkakaroon ng problema sa distribution ng pera,” aniya pa.

Noong mga nakalipas na halalan ay madalas na ireklamo ng mga guro ang huling pagbibigay ng bayad para sa kanilang poll duties.

Cash rin umano ang bayad sa BEIs at ang mga election officers ang nagdi-distribute ng mga ito at madalas ay nawawala ang pera kaya’t hindi nakakarating sa mga guro.

Naniniwala naman si Brillantes na sa pamamagitan ng paggamit ng cash cards ay hindi na made-delay pa ang pagbabayad sa mga guro at hindi na rin mawawala ang cash na ibabayad sa kanila.

“Kasi past experience would show na binibigay namin ‘yung cash sa aming  election officer tapos minsan hindi naibibigay ‘yung pera sa mga teachers. At saka minsan nagkakawalaan ‘yung pera, hindi nali-liquidate ng tama,” paliwanag pa niya.

Sa ngayon, inaasikaso na, aniya, ng Comelec ang paglagda ng isang memorandum of agreement sa Landbank kung saan ide-deposito ang pera.

Inaasahang may 240,000 guro ang magsisilbi sa halalan sa Mayo 13 at bawat isa sa mga ito ay tatanggap ng P4,000 allowance para sa kanilang poll duties.

Sinasanay na umano ng Comelec ang mga trainor na siya namang ipapakalat sa buong bansa upang mag-training sa mga guro.

Nabatid na sasanayin rin ang mga BEIs hinggil sa teknikal na aspeto ng halalan upang matiyak na kahit isa man lamang sa tatlong guro na itatalaga sa bawat clustered precinct, ay may technical knowledge sa mga PCOS machines.

Mayroong 77, 829 clustered precincts sa buong bansa.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>