UMAKYAT na sa 12 katao ang namatay habang 200 ang isinugod sa pagamutan bunsod ng nararanasang diarrhea outbreak sa Alamada, North Cotabato.
Ayon kay Alamada Vice Mayor Samuel Alim, sa nasabing bilang ng namatay, pito ang Muslims at lima ang Kristiyano.
Mahigit na sa 100 ang nadala sa Alamada Community Hospital, habang aabot naman sa 80 ang mga pasyente na pansamantalang nasa Dado Elementary School.
Sa Sitio New Leon ay aabot din sa 50 ang mga residente na nakaranas ng pagtatae, pananakit ng tiyan at pagsusuka.
Liban dito, tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga pasyente.
Nabatid pa na may ilan din ang nadala sa barangay health centers at ang iba ay hindi na rin nabilang.
Ang ilan din ay isinugod na lamang sa mga ospital sa Midsayap dahil sa hindi na makayanan ng mga pagamutan sa kanilang lugar ang dami ng mga pasyente.
The post UPDATE: Todas sa diarrhea outbreak 12 na appeared first on Remate.