NAGMOSYON sa Sandiganbayan Fourth Division si dating Makati Mayor Elenita Binay upang hilingin na makapagbakasyon sa Hawaii.
Sa tatlong pahinang mosyon, sinabi ni BInay na nais niyang magbakasyon mula Hunyo 5 hanggang 24 sa Mahalani Circle, Kaneohe, Hawaii.
“Records showed that in previous trips, accused Binay complied with the Honorable Court’s conditions for travel, including informing the Court of her return to the country immediately upon her arrival. She intends to do the same in this instance,” ayon sa mosyon.
Ang travel bond ni Binay na nagkakahalaga ng P90,000 na kanyang inilagak sa mga nauna niyang biyahe ay hindi na niya kinuha at nais niya na ito na rin ang magsilbing garantiya na siya ay babalik.
Si Binay, misis ni Vice President Jejomar Binay, ay nahaharap sa kasong graft kaugnay ng anomalya sa diumao’y paggamit ng pondo ng Makati City noong siya ay alkalde pa nito.
The post Pagbabakasyon sa Hawaii, hiniling ni Mrs. Binay appeared first on Remate.