INUGA ng magnitude 5.7 na lindol ang karagatang bahagi ng Southern Mindanao kaninang 1:44 ng hapon, Mayo 9.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), na natukoy ang sentro ng lindol sa layong 31 kilometro sa timog silangan ng Sarangani, Davao Occidental.
May kalaliman ang lindol na nasa 113 kilometro pero pinawi naman agad ng PHIVOLCS ang pangamba ng mga residente laban sa pagkakaroon ng Tsunami kahit pa sa karagatan yumanig ang lindol.
Gayunman, dahil may kalakasan ang lindol na tectonic ang origin, naramdaman ang intensity 4 sa Davao City, Mati City, Davao Oriental habang intensity 3 naman sa Bislig, Surigao del Sur at Tagum City habang Intensity 1 naman sa Gingoog, Misamis Oriental.
Wala namang napaulat na nasaktan o napinsala sa naturang pagyanig.
The post Southern Mindanao sea, inuga ng 5.7 na lindol appeared first on Remate.