KUNG hindi makababayad sa kanyang hospital bills, maaaring kasuhan ng estafa ng Makati City government si Janet Lim Napoles, ang tinaguriang ‘pork barrel queen.’
Si Napoles ay dinala sa Ospital ng Makati (OsMak) para sa operasyon mula sa kanyang detention facility sa Sta. Rosa, Laguna na nakulong sa kasong illegal detention.
Iginiit ni Sen. Koko Pimentel na hindi dapat balikatin ng pamahalaan ang anumang gastusin sa pagpapagamot ni Napoles
“Unfair naman na taumbayan pa ang sasagot ng gastos. Milyon-milyon na ang kinulimbat niyang pondo sa publiko,” ani Pimentel.
Hindi naitago ng senador ang pagkadismaya dahil tila ginagawang mangmang ng kampo ng pork barrel queen ang publiko sa pagsasabing wala siyang pambayad sa hospital bill samantalang batid ng lahat na nagkamal ito ng ‘kickbacks’ mula sa PDAF ng mga senador na idinaan sa kanyang bogus na NGOs.
The post Pag di nagbayad ng hospital bill, estafa ikakasa kay Napoles appeared first on Remate.