Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

2 cabinet secretary, sakit ng ulo ni Lacson

$
0
0

DALAWANG kalihim ng departamento ng pamahalaan ang sakit ng ulo ni Presidential Assistant for Recovery & Rehabilitation (PARR) Sec. Panfilo Lacson sa isinusulong na rehabilitation effort sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Sa press briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang ay inamin ni Sec. Lacson na dapat ay tatlong kalihim ng departamento ang nagbigay talaga ng sakit ng ulo sa kanya sa kanyang trabaho bilang PARR czar subalit dalawa na lamang aniya ngayon dahil bumait na ang isa sa mga ito.

Dahil dito, hindi na itinago pa ni Sec. Lacson ang kanyang nararamdaman sabay sabing “frustrated” siya sa inaasal ng cabinet members na ito lalo na ang pagdedma sa kanyang isinusulong.

Magkagayon man, naiintindihan naman ni Sec. Lacson ang pagiging abala ng ilang Cabinet officials subalit binigyang diin nito na importante ang Yolanda rehabilitation efforts dahil marami ang makikinabang dito na pawang mga biktima ng bagyong Yolanda.

Para sa dating senador,  maaari namang magtalaga ang cabinet officials ng kani-kanilang “point persons” na awtorisadong magbigay ng kanilang desisyon.

Wala namang balak si Sec. Lacson na magsumbong kay Pangulong Benigno Aquino III dahil ayaw niya itong bigyan ng problema.

Ngunit, isa sa araw na ito aniya ay handa niyang kausapin ang Punong Ehekutibo sa bagay na ito.

Hindi naman itinago ni Sec. Lacson na hanggang ngayon ay wala pa ring nabubuong master plan para i- rehabilitate ang mga lugar na naapektuhan ng super-typhoon Yolanda.

May  ilang ahensya ng pamahalaan aniya ang hindi pa nagsusumite ng kanilang formal plans para sa mga naapektuhang lugar.

“We are on track”!

Ito naman ang inihayag ni Lacson sa kabila ng anim na buwan na ang nakalilipas nang manalasa ang bagyong Yolanda.

Sinabi ni Lacson na bagama’t nasa tamang landas ang tinatahak ng kanilang operasyon sa Yolanda ay nananatiling hamon sa PARR ang epektong iniwan nito.

Habang hinihintay aniya ang Post Disaster Needs Assessment na isusumite ng Office of Civil Defense sa Cabinet para sa gagawing vetting bago pa aprubahan ni Pangulong Aquino gaya ng hinihingi ng NDRRMC law at gagawing basehan para sa paghahanda at pagsusumite naman ng Master Plan for rehabilitation ay kailangan munang mapagtagumpayan ang mga aktibidades na nakapaloob dito.

The post 2 cabinet secretary, sakit ng ulo ni Lacson appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>