ISA ang patay makaraang masunog ang anim na palapag na gusali sa Sto. Cristo at Recto sa Divisoria sa Maynila, Miyerkules.
Nasa ikalimang palapag ng gusali ang biktimang si Joseph Ng na hindi na nagawa pang iligtas ang sarili dahil ito ay bedridden.
Isang fire volunteer din na kinilalang si Marel Wong sugatan sa nasabing sunog matapos na mahulugan ng bubog sa loob ng gusali habang pinupuksa ang apoy.
Ginagamot na ito sa ambulansya ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Tinatayang nasa 5 milyong piso ang halaga ng ari-arian ang napinsala sa nasabing gusali na ginagamit na bodega ng plastik at damit.
Patuloy pang inaalam ng awtoridad ang sanhi ng sunog.
The post 1 todas sa sunog sa Divisoria appeared first on Remate.