Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

2 paslit ginawang pananggalang ng may agimat

$
0
0

TINANGKANG bihagin ng 24-anyos na lalaki na nagtataglay ng “agimat” ang dalawang batang estudyante upang gawing pananggalang laban sa mga humahabol sa kanya kaninang umaga sa Parañaque City.

Walang malay nang isugod sa Parañaque District Hospital ang suspek na si Enrico Sedenio, ng Barangay Merville matapos tamaan ng malaking tipak ng bato sa ulo na ibinato ng kalalakihang humahabol sa kanya matapos masukol sa South Admiral Village pasado alas-10 ng umaga.

Ayon kay Chief Insp Enrique Sy, hepe ng Investigation Unit ng Parañaque police una ng nakita ng mga residente ang suspek na nagtatakbo sa hindi pa malamang dahilan at biglang hinablot ang 11-anyos na si Donna Elizabeth Toredes na noon ay naglalaro sa naturang lugar.

Nakita ng kalalakihan ang paghablot sa bata kaya hinabol at pinagbabato nila ang suspek na naging dahilan upang mabitiwan nito ang bihag.

Sumunod na hinablot at kinaladkad ang walong taong gulang na si Angelica Torres, grade II pupil ng Hands of the Holy Spirit School subalit nanlaban ang ina nitong si Arlene.

Dito na sinugod ni Jonas Ravino, driver security guard ng naturang paaralan ang suspek subalit kinagat siya nito sa kamay. Kumuha rin ng bato ang suspek at pinagbabato ang mga humahabol sa kanya kaya tinangka na siyang paputukan ng security guard na si Rodrigo Olandia.

“Nagtaka ako kasi tatlong beses kong kinalabit ang service firearm ko hindi pumutok, maging ang shotgun ng kasama ko, ayaw ring pumutok gayung nasa maayos naman itong kondisyon,” pahayag ni Olandia.

Natigil lamang ang pagwawala ng suspek nang tamaan siya ng malaking tipak na bato sa ulo na ikinawala nito ng ulirat. Nakita sa nakasuot na sinturon ng suspek ang mga kulay pulang bato na agimat nito upang hindi tablan ng bala.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>