SA isang bagong survey ng Social Weather Stations sa unang bahagi ng 2014, natuklasan na 53 porsyentong Filipino, o katumbas ng 11.5 milyon ay ikinokonsiderang salat sa yaman.
Sa 2014 poll figures na inilabas sa BusinessWorld nitong Lunes ng gabi, bahagyang bumaba ng 55 porsyento noong Disyembre 2013, pero mas mataas sa 2013 average ng isang puntos.
Natuklasan din na 39 porsyento, o tinatayang 8.5 milyong pamilya ang umaamin na sila ay kinukulang sa pagkain.
Ang 2014 food poverty percentage ay mababa ng dalawang puntos mula sa 41 porsyento na iniraranggo ang kanilang sarili na “food-poor” noong nakaraang Disyembre, ay kapareho lamang ng average noong nakaraang taon.
Ibinase ang SWS poll mula Marso 27 hanggang 30, at ang kapanayam ay sa may 1,200 adult Filipinos ay harapan o personal.
Kasama rin sa mga katanungan ay kung magkano ang dapat na hawak na pera ng isang pamilya para hindi maikonsiderang mahirap.
The post 11.5 million Pinoy, salat sa yaman appeared first on Remate.